|
||||||||
|
||
Ito ang sinabi ni G. Serafin Ledesma, Jr., publisher ng Mindanao Journal at isang columnista ng Sun Star Davao na kasama sa delegasyon ng mga mamamahayag na Pilipino na dumadalaw sa iba't ibang bahagi ng Tsina.
Si Serafin Ledesma, Jr.
Sa isang panayam, sinabi ni G. Ledesma na nakatutuwa ang kanyang karanasan sa paglalakbay sa Tsina sapagkat sa kanyang buong akala, bagama't napakaunlad ng Shanghai, paghihirap naman ang makikita sa kapaligiran nito. Laking gulat umano niya na mabatid na maunlad rin ang mga pook sa labas ng mga naunang growth centers tulad ng Shanghai.
Trabaho para sa Mamamayan
Ani G. Ledesma, maunlad rin ang Suzhou, siyudad na 100 kilometro ang layo sa kanluran ng Shanghai, na nagtagumpay sa kanilang itinayong Suzhou Industrial Park na dinalaw ng mga mamamahayag noong ika-7 ng Setyembre. Maunlad din ang mga mamamayan sapagkat may pagkakataong magkatrabaho sa ilalim ng isang pamahalaang seryoso sa paglaban sa katiwalian.
Prioryidad ang Agrikultura
Magandang pagkakataon din ang kanyang naranasan sa pagdalaw sa Xiang Cheng Modern Agriculture Complex may 45 minuto mula sa kalagitnaan ng Suzhou.
Nagulat din si G. Ledesma sa pagiging seryoso ng Tsina at ng mga pinuno nitong higit na mapaunlad ang kanilang lipunan sa pagtiyak sa maayos na supply ng isdang tabang at ang tanyag na Hairy crab.
Palaisdaan para sa mga hairy crab Xiang Cheng Modern Agriculture Complex
Pasilidad para paramihin ang mga isdang tabang ng Xiang Cheng Modern Agriculture Complex
Maayos na Imprastruktura, Susi ng Kaunlaran
Binanggit din ni G. Ledesma na mahalaga rin ang pagkakaroon ng maayos na mga sasakyan lalo ang maganda, malinis at napakabilis na tren mula sa Suzhou hanggang Dezhou, siyudad sa lalawigang Shandong, na narating ang higit sa 1,000 kilometro sa loob lamang ng apat na oras.
Sunod sa schedule ang tren, dagdag pa ni G. Ledesma. Napabuntong hininga na lamang si G. Ledesma at ang iba pang mga kasapi ng delegasyon sapagkat matagal nang walang serbisyo ng tren sa Pilipinas.
Isang mahalagang bagay din ang mahigpit na pagpapatupad ng mga batas laban sa katiwalian sapagkat sa oras na mabatid ng madlang walang sasantuhin ang mga pinuno ng bansa, mababawasan na ang bilang ng mga nasa likod ng mga katiwalian.
Ulat: Melo/Ernest
Editor:Mac/Jade
Photographer: Ernest/Melo
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |