Ipinalabas kaninang madaling araw ang opisyal na resulta ng halalang parliamentaryo ng Singapore. Sa lahat ng 89 na luklukan ng bagong parliamento, nakakuha ng 83 luklukan ang People's Action Party, naghaharing partido ng Singapore, at 6 lamang ang pumunta sa partido oposisyon na Workers' Party.
Ayon pa rin sa resulta, 69.86% ang voting rate sa People's Action Party, na mas malaki kaysa 60.14% na kinuha nito noong nagdaang halalan.
Pagkatapos nito, ipinahayag ni Lee Hsien Loong, Punong Ministro ng Singapore, na sa naturang halalan, maraming kabataan ang sumusuporta sa People's Action Party. Ito aniya ay mahalaga para sa kinabukasan ng Singapore. Sinabi rin niyang buong sikap na tutupdin ng kanyang partido ang mga pangako, at hindi bibiguin ang pagtitiwala ng mga botante.
Salin: Liu Kai