Isang aktibidad ay idinaos kahapon sa Kranji, Singapore bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig (WWII).
70 taon na ang nakararaan, tinanggap sa National Gallery ng Singapore ni L. Louis Mountbatten, Komander ng Allied Forces sa Rehiyong Pandigma sa Timog Silangang Asya, ang pagsusuko ng tropang Hapones. Ito ay sumagisag ng opisyal na pagtatapos ng pagsakop ng tropang Hapones sa Singapore. Kaya ang ika-12 ng Setyembre ay nagsisilbing anibersaryo ng pagtatapos ng digmaan sa Timog Silangang Asya noong WWII.
Pagkaraang sumiklab ang WWII, sinakop noong ika-15 ng Pebrero ng 1942 ng tropang Hapones ang Singapore. Sa panahong iyon, ilampung libong mamamayan ang pinatay ng tropang Hapones.
Salin: Li Feng