Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mas mababang buwis, suportado ni VP Binay

(GMT+08:00) 2015-09-15 17:56:04       CRI

NANGAKO si Vice President Jejomar C. Binay na susuportahan niya ang mas mababang income taxes at magpapalawak ng bilang ng mga trabaho at mas malawak na social services sa ilalim ng kanyang liderato. Naganap ito sa idinaos na isang media forum sa Quezon City kanina.

Ayon kay G. Binay, mas makabubuting maging patas ang tax system, ang mayroong mas malalaking sahod ang magkakaroon ng mas malaking buwis kaysa sa mga taong maliit ang kita. Kailangang gawin ito kahit pa magkaroon ng panandaliang pagbaba ng koleksyon ng buwis, dagdag pa niya.

Ayon umano sa Management Association of the Philippines, ang mga kumikita ng may P500,000 bawat taon ay nagbabayad ng 32% buwis na pinakamataas sa Asia.

Mayroong 17 mga panukalang pagbabago sa income tax subalit walang inaasahang makakapasa sa Kongreso. Kung hindi kikilos ang mga mamamayan, malaki ang posibilidad na makakapantay ng mayayaman ang buwis na babayaran ng mga guro, pulis, sundalo at nars.

Isusulong din umano ni Binay ang mas mababang corporate income tax rate upang magnegosyo ang mga banyaga sa Pilipinas. May 30% ang buwis ng mga sa kita ng mga korporasyon at nararapat makasabay sa singil ng mga bansang kabilang sa ASEAN.

Ipinaliwanag pa ni G. Binay ang mas mababang corporate income tax ang makakatawag-pansin sa foreign investors. Magkakaroon ng mas maraming trabaho at kita para sa pamahalaan.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>