|
||||||||
|
||
BEIJING--Ipinahayag kahapon ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina na ang gagawing pagdalaw sa Amerika ni Pangulong Xi Jinping ay magpapasulong ng pagtitiwalaan at pagtutulungan ng dalawang bansa.
Si Pangulong Xi ay nakatakdang magsagawa ng dalaw na pang-estado sa Amerika mula ika-22 hanggang ika-25 ng buwang ito.
Pagkaraan ng kanyang biyahe sa Amerika, lalahok si Xi sa United Nations (UN) Summit bilang Paggunita sa ika-70 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng UN, mula ika-26 hanggang ika-28 ng Setyembre.
Si Ministrong Panlabas Wang Yi sa Ika-14 Lanting Forum sa Beijing. Itinampok sa Forum ang gagawing pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping sa Amerika at paglahok sa UN Summit bilang Paggunita sa ika-70 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng UN (Photo source: Xinhua)
Pagtitiwalaang diplomatiko
Ipinagdiinan ni Wang na itatampok sa gagawing pagdalaw ng pangulong Tsino ang pagpapasulong ng pagtitiwalaang Sino-Amerikano. Para rito, magsisikap aniya si Pangulong Xi para malutas ang pagkabahala ng Amerika na hindi nagkakasundo ang dalawang bansa sa mga isyung may kinalaman sa relasyong pandaigdig at kaayusan ng Asya-Pasipiko.
Pagpapalitang pansibilyan
Ayon sa salaysay ni Wang, makikipagtagpo rin si Pangulong Xi sa mga mangangalakal, guro at estudyante. Sa gagawing pagdalaw ni Xi, magkasamang ipapatalastas ng dalawang bansa ang serye ng proyekto at hakbangin para mapasulong ang pagpapalitang pansibilyan.
Pagtutulungang pangkabuhayan
Idinagdag pa ni Wang na lalagdaan din ng dalawang bansa ang mga kasunduan para ibayo pang mapalago ang kanilang pagtutulungan sa pinansya, kalakalan, enerhiya, pagbabago ng klima, pangangalaga sa kapaligiran, siyensiya't teknolohiya, agrikultura, pagpapatupad sa batas, abyasyon, at imprastruktura.
Pagpapalawak ng komong interes
Ipinaghayag din ni Wang ang kanyang pag-asang pagsasamahin ng dalawang bansa ang kanilang direksyon at estratehiyang pangkaunlaran para mapalawak ang kanilang komong interes.
Kailangan din aniya ng dalawang bansang gamitin ang magagamit na resources para maisakatuparan ang pagtutulungan ng iba't ibang bansa, lalung lalo ng rehiyong Asya-Pasipiko.
Sinabi ni Wang na iniharap ng Tsina ang Belt and Road Initiative para mapasulong ang komong pag-unlad ng iba't ibang bansa, at ang pagpapasulong ng pagtatatag ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) ay para mapabuti ang kasalukuyang sistemang pinansyal ng daigdig at malampasan ang mga kasalukuyang financial bottlenecks.
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Mac
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |