|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||

Idinaos kahapon sa Beijing ang 2015 Beijing Marathon. Sa ika-35 Beijing Marathon sa taong ito, nakita ang pagtaas ng interes ng mga tao sa long-distance running sa Tsina.
Mahigit 30,000 katao mula sa 45 bansa ang lumahok dito.
Nagsimula ang marathon sa Tian'anmen Square at nagtapos sa Olympic Park, at 42.19 kilometro ang buong haba. Kauna-unahang pagkakataon sa loob ng 35 taon, dapat tapusin ng mga kalahok ang buong distansiya. Inalis na sa taong ito ang half-marathon.
Ayon kay Sun Xuecai, Direktor ng Organizing Committee ng aktibidad na ito at puno ng Beijing Sports Bureau, na ang kasiglahan ng paglahok ng mga tao marathon ay nagpapakitang may sapat na bilang ng mga mananakboy kayang tapusin ang buong marathon. Nagpapakita ito sa pagpapabuti ng public fitness ng Tsina.

Isang kalahok na nagdamit bilang "Monkey King."

Isang kalahok na nagdamit bilang "Emperador."

Ang grupo ng kalahok na nagdamit bilang mga miyembro ng "The Avengers."
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |