Sa Kunming, kabisera ng lalawigang Yunnan, Tsina-Idinaos dito ang 11th Pan-Asia Kunming International Agriculture Expo 2015, mula ika-19 hanggang ika-23 ng buwang ito. May pag-asa ang mga bahay-kalakal ng pagkaing butil mula sa Vietnam na pasukin ang pamilihan ng lalawigang Yunnan, batay sa platapormang ito.
Sa kasalukuyan, ang Vietnam ay nagsisilbing pangatlong pinakamalaking bansa sa pagluluwas ng bigas sa daigdig, kasunod ng India at Thailand. Sapul noong 2013, ang Tsina ay nagiging pinakamalaking destinasyon sa pag-aangkat ng bigas mula sa Vietnam.
Ayon sa awtoridad ng pagkaing butil ng Vietnam, tinatayang aabot sa 7.5 milyong tonelada ang bilang ng maluluwas na bigas sa kasalukuyang taon, na mas malaki ng 190 libong tonelada, kumpara sa nagdaang 2014.