Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Resepsyon ng Pambansang Araw, idinaos ng Embahadang Tsino sa Biyetnam

(GMT+08:00) 2015-10-01 15:27:25       CRI

Sa Hanoi, Biyetnam — Idinaos kamakalawa ng Embahadang Tsino sa Biyetnam ang resepsyon bilang pagdiriwang sa ika-66 na anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina. Dumalo sa resepsyon ang mahigit 300 tauhan na kinabibilangan nina Hong Xiaoyong, Embahador ng Tsina sa Biyetnam, ilang opisyal ng embahada, at Bui Quang Vinh, Ministro ng Pagpaplano at Pamumuhunan ng Biyetnam, at mga kinatawan mula sa partido at hukbo ng Biyetnam, at mga mapagkaibigang tauhan ng Tsina at Biyetnam.

Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Hong na ang kasalukuyang taon ay ika-65 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Biyetnam. Nakahanda aniya ang Tsina na patuloy na magsikap kasama ng Biyetnam para walang humpay na mapasulong ang relasyon ng dalawang bansa at mabigyan ng mas maraming kapakanan ang kanilang mga mamamayan.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>