Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

717 patay sa karahasan sa Iraq noong Setyembre

(GMT+08:00) 2015-10-03 18:29:00       CRI

717 katao ang namatay at 1216 naman ang nasugatan dahil sa naganap na mga karahasan at teroristikong pagsalakay sa Iraq noong nagdaang Setyembre.

Ayon sa datos ng UN Assistance Mission for Iraq (UNAMI), sa mga namatay, 537 ang sibilyan at 180 ang tauhang panseguridad ng Iraq. Sa mga nasugatan naman, 925 ang sibilyan at 291 ang tauhang panseguridad.

Ayon pa sa UNAMI, dahil sa masamang situwasyon ng seguridad sa Lalawigang Al Anbar sa dakong kanluran ng Iraq at pagtigil ng maraming serbisyong pampubliko, posibleng mas marami ang bilang ng mga kasuwalti roon. Bukod dito, hindi kabilang sa nasabing bilang ang mga namatay dahil kulang sa tirahan, tubig, pagkain, o panggagamot.

Sapul noong unang dako ng 2013, madalas na nagaganap ang mga karahasan at teroristikong pagsalakay sa Iraq. Ayon sa UNAMI, noong 2014, 1282 sibilyan ang namatay at 23,126 na sibilyan ang nasugatan.

Salin: Andrea

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>