|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ni Benjamin Netanyahu, Punong Ministro ng Israel, na patuloy na pahihigpitin ng kanyang pamahalaan ang mga hakbanging panseguridad para makatuon sa mga teroristikong pag-atake.
Naglakbay-suri si Netanyahu sa mga watchtowers ng tropang Israeli sa kanlurang pampang ng Ilog Jordan at lugar na pinangyarihan ng pag-atake sa dalawang Israeli noong gabi ng unang araw ng buwang ito.
Ipinatalastas niyang ikakabit ang mas maraming camera sa mga kalye at bagtasan sa kanlurang pampang ng Ilog Jordan para mas maagang makita ang mga teroristikong pag-atake at isagawa ang katugong hakbangin.
Noong gabi ng ika-5 ng buwang ito, idinaos ang pangkagipitang pulong ng gabinete ng Israel para talakayin ang mga katugong hakbangin sa kasalukuyang kalagayang panseguridad. Ipinasiya sa pulong na ito na ipapadala ang mas maraming tropang panseguridad sa Jerusalem at kanlurang pampang ng Ilog Jordan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |