Ipinahayag kahapon ni Vu Huy Hoang, Ministro ng Kalakalan at Industriya ng Biyetnam, na ipinangako ng kanyang bansa ang pagsasakatuparan ng mga tadhana na itinakda sa Trans-Pacific Partnership Agreement (TPP).
Ipinahayag ni Vu na pagkaraang magkabisa ang TPP, mabilis na tataas ang bolyum ng pagluluwas ng industriya ng paghahabi ng kanyang bansa at lalaki rin ang pangangailangan sa lakas-manggagawa. Ito aniya ay makakabuti sa paglutas sa isyu ng hanap-buhay ng kanyang bansa.
Sinabi pa niyang lumalahok din ang Biyetnam sa talastasan ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).