|
||||||||
|
||
TINAWAGAN ng Philippine Red Cross ang lahat ng kanilang 102 chapter at 82 blood service facilities sa buong bansa na maghanda sa posibleng pagtaas ng bilang ng mangangailangan ng dugo dahil sa pagdami ng mga may dengue. Kasabay ng panawagan ang pakiusap na maghandang tugunan ang pangangailangan ng balana.
Kasabay ng panawagang ito ang mensahe para sa mga Filipino na magbahagi ng kanilang dugo upang matiyak na may sapat na dugo para sa mga may dengue at iba pang mangangailangan ng pagsasalin ng dugo dala ng iba pang nakahahawang sakit.
Mula sa Department of Health Epidemiology Bureau ang balitang tumaas ang bilang ng may dengue mula Enero hanggang ika-19 ng Setyembre na malapit na sa 100,000 na mas mataas ng 23.5 % kaysa datos mula Enero hanggang ika-19 ng Setyembre noong 2014.
Ayon sa Philippine Red Cross National Blood Service, mula Enero hanggang kahapon, umabot sa 961 blood units ang kanilang nailabas para sa mga may dengue samantalang umabot sa 333 mga pasyente ang nabigyan ng dugo.
Mayroong 30 chapter ng Red Cross na nagbalitang may dengue cases sa kanilang mga nasasakupan. Tinamaan din ang lalawigan ng Bulacan na kinatagpuan ng 245% dagdag sa mga kaso sa pagkakaroon ng 5,276 na pasyente mula Enero haggang ika-6 ng Oktubre kung ihahambing sa 1,527 na pasyente noong 2014.
Ipinaliwanag ni Philippine Red Cross Chairman Richard Gordon na kahit sapat pa ang dugong na sa pag-iingat ng Red Cross, kailangan ng suporta ng madla sa pamamagitan ng regular blood donation.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |