Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Dating Senador Panfilo Lacson, babalik sa Senado

(GMT+08:00) 2015-10-08 17:49:30       CRI

NILIMOT na ni dating Senador Panfilo Lacson ang pagtakbo sa panguluhan sa 2016 samantalang sinabi na interesado siyang bumalik sa Senado. Ipararating na niya ang kanyang certificate of candidacy sa Lunes.

Tatangkain niyang maunang mag-file at magiging isang independent candidate. Inalok umano siya ng tatlong nangungunang kandidato sa pagka-pangulo na tumakbo sa pagka-senador. Dalawa ang personal na nakipag-usap sa kanya kaya't pumayag siya samantalang ang pangatlo ay idinaan sa isang emisaryo kaya't wala siyang anumang commitment.

Naunang sinabi ni G. Lacson na handa na siyang tumakbo sa panguluhan nagkataon nga lamang na 'di maganda ang lumabas sa mga katatapos na surveys.

Malakas umano siya sa mga survey sa pagka-senador at hindi naman napuna ang pag-angat ng kanyang pangalan sa pre-filing survey.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>