|
||||||||
|
||
KAILANGANG kausapin ng mga mamamayan ang kanilang mga kinatawan sa Kongreso at maging mga senador upang matiyak ang pagpasa ng Bangsamoro Basic Law na magbibigay ng tunay na autonomiya at katarungang panglipunan sa rehiyon.
Ito ang buod ng mensahe ng Kanyang Kabunyian Orlando B. Cardinal Quevedo na kahit pa hindi katanggap-tanggap ang nilalaman ng Bangsamoro Basic Law sa Senado at Kongreso, kailangan pa rin ang suporta ng mga mambabatas. Ipinaliwanag niya sa pagtitipon sa EM Manor Hotel sa Cotabato City mula noong Martes hanggang kahapon na mayroong iba't ibang bersyon ng panukalang batas dahil sa kakaibang mga panananaw ng iba't ibang senador at (sektor).
Ang mga taga-Mindanao at iba pang nagsusulong ng kapayapaan sa rehiyon ay walang ibang magagawa kungdi kausapin ang mga mambabatas upang maipasa ang mas magandang bersyon ng Bangsamoro Basic Law.
Itinaguyod ng United Nations Development Program at OXFAM ang dalawang araw na pagpupulong.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |