Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Daambakal ng Tsina, Thailand at Laos, nakatakdang itatag

(GMT+08:00) 2015-10-09 12:00:34       CRI

Isiniwalat kahapon sa Beijing ni Shen Danyang, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na isinasagawa na ng Tsina at Laos ang mga preparatoryong gawain para sa pagtatatag ng daambakal sa pagitan ng dalawang bansa. Ito aniya ay ikokonekta sa isa pang daambakal sa Thailand na nakatakdang itatag ng Tsina at Thailand.

Sinabi ni Shen na idinaos kamakailan sa Bangkok ang ika-7 Pulong ng Magkasanib na Lupon para sa Daambakal ng Tsina at Thailand, at narating ng dalawang panig ang pagkakasundo hinggil sa mga konkretong detalyeng kinabibilangan ng teknolohiya, pondo, pagtutulungang pampamahalaan, at iba pa.

Ani Shen, bilang priyoridad sa konstruksyong pang-imprastruktura ng estratehiyang "Silk Road Economic Belt at Silk Road sa Karagatan sa ika-21 Siglo" na itinataguyod ng Tsina, mabubuo ng mga naturang proyekto ang isang maalwang tsanel para sa daloy ng pasahero at kargo ng Tsina, Laos, at Thailand. Palalalimin din aniya nito ang pagtutulungang pangkabuhayan, pangkalakalan, pang-enerhiya at industrial sa pagitan ng mga bansa sa baybayin-purok ng Mekong River, at makakatulong sa pagtatatag ng ligtas at walang sagabal na railnet sa pagitan ng Tsina at ASEAN.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>