Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga lider ng CPC at KWP, nagtagpo

(GMT+08:00) 2015-10-10 13:14:17       CRI

Nagtagpo kagabi sa Pyongyang, kabisera ng Hilagang Korea, sina Liu Yunshan, Pirmihang Kagawad ng Standing Committee ng Pulitburo at Kalihim ng Sekretaryat ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Kim Jong-un, Unang Kalihim ng Korean Workers Party(KWP).

Inabot ni Liu kay Kim ang liham ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng CPC.

Sa kanyang liham, ipinahayag ni Xi na ang tradisyonal na pagkakaibigan ng Tsina at Hilagang Korea ay mahalagang komong kapakanan para sa kanila. Aniya pa, lubos na pinahahalagahan ng CPC at pamahalaang Tsino ang relasyon ng dalawang bansa. At nakahanda ang Tsina na pahigpitin, kasama ng Hilagang Korea, ang pag-uugnayan at kooperasyon.

Pinasalamatan ni Kim ang liham ni Xi. Sinabi niyang sa okasyon ng ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng KWP, ang pagdalaw ni Liu sa Hilagang Korea ay nagpapakita ng malalim na pagkakaibigan ng dalawang panig.

Sinabi ni Liu na ikinagagalak ng Tsina ang natamong progreso ng Hilagang Korea sa pagpapaunlad ng kabuhayan at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayang Koreano nitong ilang taong nakalipas.

Sinabi ni Kim na nakahanda ang kanyang bansa na panatilihin ang mahigpit na pagpapalagayan sa Tsina sa mataas na antas at pahigpitin ang mga aktuwal na kooperasyon sa iba't ibang larangan.

Kaugnay ng isyu ng Korean Peninsula, sinabi ni Liu na ang katatagan at kapayanaan ng rehiyong ito ay nakakabuti sa kapakanan ng iba't ibang may kinalamang panig at kapayapaan at katatagan ng daigdig. Iginigiit ng panig Tsino ang pagsasakatuparan ng walang nuklear na Korean Peninsula sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian.

Dagdag pa niya, nakahanda ang Tsina na magkasamang magsikap, kasama ang Hilagang Korea, para mapanumbalik ang Six Party Talks.

Sinabi ni Kim na kinakailangan ng kanyang bansa ang mapayapa at matatag na kapaligirang panlabas para paunlarin ang kabuhayan at pabutihin ang pamumuhay ng mga mamamayan. Nakahanda aniya siyang patuloy na pabutihin ng kanyang bansa ang relasyon sa Timog Korea at pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng Korea Peninsula.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>