Ayon sa ika-15 magkasanib na pahayag ng pulong ng mga Ministrong Pinansiyal at Gobernador ng Bangkong Sentral ng Tsina, Hapon at Timog Korea, pahihigpitin ng tatlong bansa ang pag-uugnayan hinggil sa mga patakaran sa pangangalaga sa katatagang pinansiyal.
Sa naturang pulong, tinalakay ng tatlong bansa ang kasalukuyang kalagayang pangkabuhayan, prospek ng paglaki ng kanilang kabuhayan at epekto ng kaligaligan ng pamilihang pinansiyal kamakailan sa kabuhayan.
Itinakda rin ng tatlong bansa na patuloy na isasagawa nila ang mga mabisang hakbangin para pasusulungin ang pagbabalik ng kanilang kabuhayan at kabuhayang panrehiyon sa normal na landas.