Kamakailan, sa Cebu, ipininid ang Ika-9 na Pulong ng mga Ministro ng Komunikasyon ng Asia Pacific Economic Cooperation(APEC). Pinagtibay sa naturang pulong ang pagpapaunlad ng inclusive communication Framework, at nanawagang itatag ang maligtas na sistema ng komunikasyon na malaki ang episiyensiya.
Sa magkasanib na pahayag, ipinahayag ng mga Ministro ng Komunikasyon ng iba't ibang bansa na ang pagpapaunlad ng inclusive communication framework ay makakabuti sa pag-unlad ng produktibong lakas at paglaki ng kabuhayan. Iniharap ng Pilipinas ang inclusive transportation na naglalayong itatag ang makatuwirang sistema ng komunikasyon.
Salin:Sarah