Sinabi kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang mga konstruksyon sa mga isla ng South China Sea ay hindi para sa militarisasyon ng rehiyong ito.
Aniya, mayroong di-mapabubulaanang soberanya ang Tsina sa Nansha Islands at mga karagatan sa paligid nito, at ang mga konstruksyon ng Tsina sa nasabing lugar ay naglalayong magkaloob ng mga serbisyong pansibilyan at para sa mas mabuting pagsasagawa ng pandaigdigang responsibilidad at obligasyon sa rehiyong ito.
Noong ika-10 ng kasalukuyang buwan, sinimulang isaoperasyon ang mga lighthouses sa Huayang at Chigua reefs para pataasin ang kaligtasan ng paglalayag sa South China Sea.
Kaugnay ng isyu ng pagsasamilitar sa South China Sea, sinabi ni Hua na inilalantad ng ilang bansa ang kanilang napakalakas na puwersang militar at laging isinasagawa ang magkasanib na pagsasanay militar sa mga kaalyadong bansa sa rehiyong ito. Ito aniya ay ang pangunahing elemento ng pagpapasulong ng pagsasamilitar sa rehiyong ito.
Sinabi naman ni Hua na ang pagdedeploy ng militar ng Tsina sa South China Sea ay kinakailangan, may limitasyon at pandepensa lamang.