Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

(update) Art show sa Tsina, pinasinayaan sa DFA

(GMT+08:00) 2015-10-19 16:42:33       CRI
Pinasinayaan nitong nagdaang linggo, sa Department of Foreign Affairs ng Pilipinas ang "China-Inspired Art In October," pagtatanghal ng mga iginuhit na larawan ng mga Pilipinong alagad ng sining. Ang kanilang inspirasyon ay mga imaheng Tsino.

Pagtatanghal na "China-Inspired Art In October" sa DFA (Photo credit: Zhang Yan, China Daily)

Si Jen Louise Viola (sa kaliwa), isa sa mga Pinoy na alagad na sining, kasama ni Janice Hung, kilalang national Wushu champ ng Pilipinas habang nasa sa harap ng painting ni Viola na nagtatampok kay Hung (Photo credit: Zhang Yan, China Daily)

Sa maikling palatuntunan ng ribbon-cutting, sinabi ni DFA Undersecretary Laura Q. del Rosario na malaking bagay ang pagtutulungan ng iba't ibang sektor upang magkatotoo ang matagal-na-pinagbalakang proyekto.

Sinabi ni Development Academy of the Philippines' President Antonio Kalaw, na ilang daang taon na ang lumipas sa pagkakaibigan ng mga Pilipino at Tsino sa larangan ng kultura at kalakal. Dagdag pa ni G. Kalaw, ang kanyang mga ninuno ay mga Tsino.

Samantala, sinabi ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua na kalugud-lugod ang pagsasama-sama ng iba't ibang sektor sa exhibit at ito ay napapanahon dahil sa pagdiriwang ng ika-40 taong pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.

Ani Zhao, makikita sa mga larawan ang kagandahan at kapayapaan na siyang nais ng lahat. Sa pangyayaring ito, napapanahon lamang na balikan ang magagandang namagitan sa dalawang bansa sa daan-daang taong nakalipas.

Sa pamamagitan ng mga pagtatanghal na ito, ani Ambassador Zhao, nagkakaroon ng daan upang matagpuan ang pinagkakasunduan sa gitna ng nababalitang mga di pagkakaunawaan. Ang mga pagkilos na ganito ang nagiging sandigan ng dalawang bansa upang mas mapalapit ang mga mamamayan at mas mapahigpit ang pagkakaibigan ng dalawang panig. Magiging daan din ito ng ibayong pag-uunawaan, dagdag pa ni Ambassador Zhao.

Ang nasabing show ay magkakasamang inihahandog ng DFA, Philippine Institute for Development Studies, Federation of Filipino-Chinese Associations of the Philippines, at Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Business Advisory Council Philippines. Ang lahat ng mga painting ay ipininta ng mga artistang Pilipino at ang mga nilalaman ay may kinalaman sa Tsina o may inspirasyon ng kulturang Tsino.

Kabilang sa mga featured artist ay sina Ja Cabato, Joseph Clavita, Rafael Concepcion, Joseph Gaboc, Ronnie Lim, Wong Shui Loong, Reynaldo Santiago, at Jen Louise Viola.

Ilan sa mga Cinese culture-inspired na obra maestra ng mga Pilipinong alagad ng sining (Photo credit: Zhang Yan, China Daily)

Ulat: Melo

Photo credit: Zhang Yan, China Daily

Special Thanks: Fu Zhigang, Guangming Daily

Edito: Jade/Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>