|
||||||||
|
||
Ito ng sinabi ni Dr. Francis Chua, dating Special Envoy to China, sa pagiging punong-abala ng Pilipinas sa APEC. Nagsimula na ang ministerial meetings noon pang nakalipas na Disyembre ng 2014 at pinaghandaan ito ng Pilipinas, ng pamahalaan at pribadong sektor, dagdag pa ni Dr. Chua. (Melo M. Acuna)
MABABATID ng buong daigdig na mayroong pook na handang tumanggap ng kalakal na mayroong mga taong mababait at magiging magandang pook para sa retirement.
Sinabi ni Dr. Francis Chua, dating Special Envoy to China, na kilala ang Pilipinas sa larangan ng service sector subalit may pagkakataon para sa investments sa larangan ng turismo, may likas na yaman sa pagmimina tulad ng copper at nickel sa kanilang pagdalaw at magkakaroon ng mga kabalikat sa kalakal. Mayaman din ang Pilipinas para sa mga lamang dagat.
Bagaman, may maayos na klima at mayamang lupa na kailangan ng angkop na teknolohiya para sa larangan ng pagsasaka.
Sa APEC, hindi lamang ito para sa isang linggong pagpupulong ng mga pinuno ng bansa sapagkat sinimulan ng Pilipinas maging punong-abala sa mga pagpupulong na dumadalaw sa Pilipinas upang pag-usapan ang mga kalakaran at kalakal.
Nagsimula ang unang pulong ng APEC noong Disyembre ng 2014. May nakatalagang mga Filipino na siyang tutulong sa bawat opisyal na dumarating sa bansa para sa mga buwanang pagpupulong.
Mas nakapaghanda ang Pilipinas hindi lamang sa mga pangnangailangan ng mga panauhin.
Darating ang lider ng Tsina, maging si Xi Jinping o hindi, (at) may kahilingan ang kanilang counterpart na samahan sa Tsina na magkaroon ng isang pagupulong sa Dusit Manila Hotel para sa 130 katao sa darating na ika-18 ng Nobyembre.
Magkakaroon ng mga Filipinong dadalo sa talakayan hinggil sa kalakal.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |