Pagkaraang matapos ang dalaw-pang-estado sa Britanya, bumalik sa Beijing ngayong araw si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Kasama sa enturahe ni Xi sa nasabing biyahe ay sina Peng Liyuan, Unang Ginang ng Tsina, Wang Huning, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Puno ng Policy Research Centre of the CPC Central Committee; Li Zhanshu, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC at Kalihim ng Sekretaryat ng Komite Sentral ng CPC; at iba pa. Nakabalik din sila sa Beijing.
Salin: Li Feng