Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Special Report (Part 1) Tacloban at mga kalapit na pook, unti-unting bumabangon

(GMT+08:00) 2015-10-30 15:45:59       CRI

Special Report (Part 1)

Tacloban at mga kalapit na pook, unti-unting bumabangon

SA halos magdadalawang taon matapos tumama ang super typhoon na si "Yolanda" noong ikawalo ng Nobyembre, unti-unting nakakabawi ang mga mamamayan sa pamamagitan ng mga ahensya ng pamahalaan, mga international organizations at pakikiisa na rin ng mga biktima.

Ito ang sinabi ni Chief Supt. Cedrick Train, ang officer-in-charge ng PNP Regional Office No. 8 sa Tacloban City. Nakikita na rin ang bunga ng "build-back better."

Idinagdag niyang kailangang magkaroon ng pagkakakitaan ang mga biktima upang higit na umunlad. Mayroong psycho-social impact ang nakalipas na trahedya kaya't higit na kailangan ang poverty-alleviation projects.

Unti-unti na ring bumabalik na sa Tacloban at mga kalapit-pook. Maliban sa ilang mga mamamayang nakakita ng "greener pastures", karamihan ay bumabalik na rin. Ang mga matatandang biktima ay bumabalik na sa Region VIII maliban sa mga kabataang nagkaroon na rin ng hanapbuhay sa ibang pook. .

Sa tanong kung may humihingi ng tulong na hanapin ang mga kamag-anak at mahal sa buhay na nawawala pa hanggang ngayon, sinabi ni Chief Supt. Train na kanilang pinapayuhang makipag-alam sa Department of Social Welfare and Development at maging sa local government units.

Walang napupunang anumang pagtaas ng bilang ng krimen laban sa ari-arian at sa tao sa nakalipas na panahon. Kung mayroon man ay mga pawang away ng mga nakainom ng alak at walang anumang malaling mga insidente.

Umaasa si Chief Supt. Train na magpapatuloy ang pagbangon ng mga mamamayan sa Silangang Kabisayaan sa pagsapit ng ikalawang taong anibersaryo ng bagyong "Yolanda" o "Haiyan" na ikinasawi ng higit sa 7,000 katao samantalang higit pa sa 1,000 ang naitalang nawawala.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>