KASONG administratibo ang inihain kanina ni Senador Alan Peter Cayetano laban kina Transport and Communications Secretary Joseph Emilio Abaya at mga opisyal ng Ninoy Aquino International Aport sa Ombdusman sanhi umano ng "tanim-bala scam" na nambibiktima ng mga pasahero.
Kasamang nagrekalmo ni Cayetano na kumakandidatong bise president, si Volunteers Against Crime and Corruption Chairperson Dante Jimenez.
Hiniling nilang suspendihin sina Secretary Abaya at General Manager Jose Angel Honrado, Transport Security Administrator Roland Recomono at PNO Aviation Security Group Director Pablo Francisco Balagtas dahilan sa kanilang diumano'y pagpapabaya sa kanilang trabaho.