Bago ang dalaw pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Biyetnam, ipinahayag ni Hong Xiaoyong, Embahador Tsino sa Biyetnam, na mahalaga ang katuturan ng naturang pagdalaw. Aniya pa, umaasa ang dalawang bansa na sa pamamagitan ng nasabing pagdalaw, ibayo pang mapapalalim ang pagtitiwalaan, mapapahigpit ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, at maayos na hahawakan ang mga umiiral na isyu ng dalawang bansa para maigarantiya ang malusog na pag-unlad ng kanilang komprehensibong estratehikong partnership.
Mula ika-5 hanggang ika-6 ng kasalukuyang buwan, isasagawa ni Xi Jinping, Pangulong Tsino at Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ang dalaw pang-estado sa Biyetnam. Ito ang kauna-unahang pagdalaw ni Xi sa bansang ito pagkatapos mahirang bilang kataas-taasang lider ng Tsina.