|
||||||||
|
||
Nagtagpo ngayong araw sa Hanoi, Biyetnam, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Nguyen Tan Dung, Punong Ministro ng bansang ito.
Sa pagtatagpo, binigyang-diin ni Xi na dapat pahigpitin ng dalawang panig ang pagtitiwalaang pulitikal, at mga aktuwal na kooperasyon sa mga larangang gaya ng kabuhayan, kalakalan, industriya, imprastruktura, pinansiya, dagat, at pamumuhunan.
Sinabi pa ni Xi na nakahanda ang panig Tsino na pasulungin, kasama ng Biyetnam, ang proseso ng integrasyon ng kabuhayan ng rehiyong ito.
Ipinahayag ni Nguyen Tan Dung na dapat pahigpitin ng dalawang panig ang pagpapalagayan sa mataas na antas, kooperasyon sa kabuhayan, kalakalan, at pinansiya.
Nakahanda aniya siyang pasulungin ang pagkakaunawaan sa pagitan ng mga mamamayan ng dalawang bansa at maayos na kontrolin at hawakan ang mga hidwaan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |