HANGGANG ngayon ay hirapan pa rin ang mga magsasaka sa Central Luzon sa kambal na pasakit ng El Nino at ng bagyong si Lando. Ayon sa United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs (OCHA), umaabot pa rin sa 700,000 katao ang nawala sa kanilang mga tahanan dahil sa bagyo.
Samantala, mayroong 3,300 mga Limad ang nananatili sa iba't ibang pook sa nakalipas na dalawang buwan sa Surigao del Sur. Magugunitang sa pagkilos ng mga Lumad, minabuti nilang mahirahan na muna sa mas ligtas na pook kaysa mapahamak sa kanilang mga kanayunan.
Umaasa ang United Nations na matutugunan ng pamahalaan ang pangangailangan ng mga katutubong umaabot sa 28,500 sa Zamboanga City.