|
||||||||
|
||
Ipinalabas sa porum ang Quanzhou Consensus na nagsasabing ang kultura ng Asya ay patuloy na maging mahalagang bahagi ng kultura ng daigdig. Anito pa, dapat magtulungan ang iba't ibang bansa, para itatag ang Komunidad ng Kultura ng Asya, at palalimin ang pagpapalitang pangkultura.
Kalahok sa naturang porum ang mahigit 100 kinatawan mula sa sirkulo ng kultura ng 13 bansang Asyano na gaya ng Tsina, Hapon, Thailand, Kambodya, Sri Lanka, at iba pa. Nagpalitan din sila ng palagay hinggil sa pagsasakatuparan ng komong kasaganaan ng kultura ng iba't ibang bansa ng Asya.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |