Sina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina at Don Pramudwinai, Ministrong Panlabas ng Thailand
Nakipagtagpo ngayong araw si Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, kay Don Pramudwinai, Ministrong Panlabas ng Thailand na lumalahok sa kauna-unahang pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Lancang-Mekong River Cooperation na idinaos sa lalawigang Yun Nan ng Tsina.
Sinabi ni Wang Yi na ang Lancang-Mekong River Cooperation ay kauna-unahang mekanismo ng subregion cooperation na magkakasamang itinaguyod ng 6 na bansa sa rehiyon sa mga purok sa may Lancang-Mekong River. Ang mekanismong ito ay angkop sa pundamental at malayuang kapakanan ng iba't ibang bansa. Sa pamamagitan ng magkakasamang pagsisikap ng iba't ibang kinauukulang panig, natamo na ang positibong progreso sa gawain ng paghahanda para sa mekanismong ito. Bilang isang mahalagang panig, ang Thailand ay gumawa ng maraming gawain para sa pagtatatag ng mekanismo, at pinapapurihan at pinasalamatan ito ng panig Tsino.
Sinabi ni Don na ang mekanismong ito ay tiyak na magpapasulong ng kooperasyon ng rehiyong ito, at magdudulot ng mas maraming komong kapakanan ng 6 na bansa.
Salin:Sarah