Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga Ministrong Panlabas ng Kambodya at Tsina, nagtagpo

(GMT+08:00) 2015-11-12 18:32:28       CRI

Nakipagtagpo kahapon sa Jinhong ng Probinsyang Yunnan ng Tsina si Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina kay Hor Namhong, dumadalaw na Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Kambodya.

Sa kanilang pagtatagpo, sinabi ni Wang na sa kasalukuyan, ang relasyong Sino-Kambodyano ay nasa pinakamagandang panahon sa kasaysayan. Samantala, patuloy na kinakatigan ng panig Tsino ang pagtatatag ng bansa at pagpapaunlad ng Kambodya at pinapalakas ang kooperasyon ng magkabilang panig sa aspektong gaya ng agrikultura, konstruksyon ng imprastruktura, komunikasyon, transportasyon at pamumuhunan para ibayo pang palalalimin ang pagkakaibigan ng dalawang panig.

Nagpahayag si Hor Nam Hong ng pasasalamat sa pagkatig at tulong na ibinigay ng panig Tsino para mapasulong ang kaunlarang ekonomiko ng Kambodya. Dagdag pa niya, ang kooperasyon ng mekanismong Lancang River at Mekong River ay nakapagbigay ng bagong nilalaman sa kooperasyong Sino-ASEAN at ito naman ay naging bagong palataporma ng pagpapalakas ng relasyong bilateral ng Tsina at Kambodya.

Si Hor Nam Hong ay kalahok sa unang pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Lancang-Mekong River Cooperation na binuksan ngayong araw.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>