|
||||||||
|
||
MGA KASAPI NG APEC BUSINESS ADVISORY COUNCIL, NAGPULONG. Nagkita-kita ang mga kasapi ng APEC Business Advisory Council na pinamumunuan ni Gng. Doris Magsaysay-Ho kanina. Naipasa na nila sa mga pinun ng APEC ang mga rekomendasyon ng iba't ibang sektor ng lipunan upang mapasigla ang kalakal sa Micro-Small-Medium Enterprises (MSMEs) Matapos ang pulong ay nagpakiha sila ng souvenir photo. (APEC Secretariat Photo)
IBINALITA ni Gng. Doris Magsaysay-Ho na ipagpapatuloy ng APEC Business Advisory Council ang pagsusulong sa kahilingan pribadong sector na magkaroon ng tinig sa Micro-Small-Medium Enterprises o MSMEs at sa APEC process. Bilang tugon, ang APEC SME Ministerial Meeting ay sumang-ayon na susuportahan ang layuning ito kabilang na ang pagsusulong sa APEC SME Summit ng ABAC bilang pagtatapos ng taong pangangasiwa ng Pilipinas sa APEC.
Nagkaroon na rin ng taunang SME Ministers' CEO dialogue sa tabi ng SME ministerials at nagkaroon ng network ng MSMEs innovation centers sa APEC upang isulong ang pagpapalitan ng impormasyon, business networking at capacity building.
Malaki rin ang nagawa ni Secretary Greg Domingo ng Department of Trade and Industry na tumanggap sa buong agenda para sa pagsasama ng MSMEs sa kalakal sa Boracay Action Plan at sa Iloilo Action Plan.
Mahalaga rin ang naiambag ng Asia Pacific Forum Foundation of Canada at ABAC Canada sa pagkakaroon ng interactice mapping website upang mabatid ang incubators sa rehiyon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |