|
||||||||
|
||
Ipinatalastas kahapon ni Punong Minstro Manuel Valls ng Pransya na 103 sa 192 nasawi sa pamamaril at pagpapasabog kamakailan sa Paris ay kinilala na. Aniya pa, patuloy pa rin ang imbestigasyon sa trahediyang ito.
Napag-alamang ang mga nasawi ay galing sa Pransya, Britanya, Espanya, Portugal, Belgium, Switzerland, Algeria, Morocco, Tunisia, Chile, Mexico, at iba pa.
Patuloy namang nagluluksa ang buong mundo sa trahediyang ito, na naganap noong ika-13 ng Nobyembre.
Ayon sa panig opisyal ng Pransya, 192 ang namatay sa trahediya, at kabilang sa mahigit 350 sugatan, 99 ang nasa malubhang kondisyon.
Inamin ng Islamic State (IS) ang responsibilidad sa atakeng ito.
Naghihintay ang mga tao sa labas ng Notre-Dame Cathedral upang lumahok sa misa para sa mga biktima ng atake sa Paris, Nov. 15, 2015. (Xinhua/Zhou Lei)
Mga taong nagsisimba sa loob ng Notre-Dame Cathedral, para sa mga biktima ng atake sa Paris, Nov. 15, 2015. (Xinhua/Zhou Lei)
Mga bulaklak at kard na inilalagay ng mga tao para gunitain ang mga biktima ng atake sa Paris, sa harap ng Pasuguan ng Pransya sa Santiago, kabisera ng Chile Nov. 15, 2015. (Xinhua/Jorge Villegas)
Kandilang hitsurang Eiffle Tower na sinindihan ng mga taga-Nepal sa ipanalangin ang mga biktima ng atake sa Paris. Kathmandu, Nepal, Nov. 15, 2015. (Xinhua/Pratap Thapa)
Nagsisindi ng kandila ang mga tao para ipagluksa ang trahedya sa Paris, sa harap ng Saint Stephen Basilica sa Budapest, Hungary, Nov. 14, 2015. (Xinhua/Attila Volgyi)
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Rhio
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |