Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga maliliit na kalakal, mahalaga para sa bansa: PNoy

(GMT+08:00) 2015-11-18 18:06:34       CRI
SINABI ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na kahit pa walang natatamong mga pangakong panghahawakan sa Asia Pacific Economic Cooperation, malayang nakakapag-isip ang iba't ibang pinuno ng bansa ng mga paraan upang higit na umunlad ang kani-kanilang mga bayan at mayroong magandang mga talakayan.

Maaaring nagkakamali ang mga naniniwalang isang maling sistema ito subalit ipinaliwanag niyang sa pagsasama-sama ng mga pinuno ng APEC economies, nagkakaisa ang lahat na bigyang halaga ang katatagan, seguridad at kaunlaran ng mga mamamayan. Nagsasama-sama, nagtutulungan at marami nang nagawa ang APEC sa bagay na ito.

Sa kanyang talumpati sa harap ng APEC Small-Medium Enterprises Summit sa Green Sun Hotel, sinabi ni Pangulong Aquino na hindi magaganap ang anumang kaunlaran kung wala ang tulong ng pribadong sektor na siyang naging dahilan ng SME summit.

MAHALAGA ANG MSMES SA APEC. Sinabi ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na mahalaga ang papel ng micro-small-medium enterprises sapagkat 99% ng mga kalakal sa bansa ay nasa ganitong kategorya. Umabot 63.7% ng mga manggagawa sa Pilipinas ang kawani ng mga MSMEs, dagdag pa ni G. Aquino. (Malacanang Photo)

Hindi magkakaroon ng pagbabago kung walang pagtutulungan ng iba't ibang sektor at ng mga mangangalakal mula sa small and medium enterprises.

Kung may gagastusin ang pamahalaan sa potensyal ng SMEs, kailangan ding tustusan ang ilan pang mahahalagang programa. Ibinalita pa ni Pangulong Aquino na noong 2013, ang micro, small at medium enterprises (MSMEs) ang bumuo ng 99% ng lahat ng kalakal sa Pilipinas at nagdulot ng trabaho sa may 63.7 % ng buong manggagawa.

Ito umano ang dahilan kaya't hindi nagmaliw ang suporta ng pamahalaan para sa sektor. Mas maraming Pilipino ang magkakaroon ng hanapbuhay.

Gumastos ang pamahalaan sa programang Access of Small Enterprises to Sound Lending Opportunities (ASENSO), nagkaroon ng P153.1 bilyon sa may 174,000 kalakal mula 2010 hanggang 2014. Nakatulong din ang Magna Carta for MSMEs sa larangan ng microfinance. Sa pag-uutos ng batas, kailangang mag-laan ng 10% ng kanilang pautang upang ipautang sa MSMEs, at mayroon nang P427 bilyon ang naipahiram sa mga mangangalakal na Filipino hanggang Hunyo ng 2015.

Ulat: Melo

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>