|
||||||||
|
||
NANGAKO si Renato Reyes, secretary general ng Bagong Alyansang Makabayan na ipagpapatuloy ang protesta laban sa APEC kahit pa may babala na ang pulisya na hindi pahihintulutan ang mga protesta ng walang kaukulang pahintulot.
Libu-libong mga mamamayan ang inaasahan ni G. Reyes na lalahok sa protesta upang ipakitang walang biyayang nakakamtan ang karamihan ng mga mamamayan, nasasadlak sa utang at kawalan ng kaunlaran.
Nangako si Reyes na gagawin ito Miyerkules at sa Huwebes. Kahit na mayroong "no permit-no rally policy" ang pamahalaan, gagamitin umano nila ang kanilang mga karapatan sa pagmamartsa laban sa APEC meeting.
May mga banyagang lalahok din sa protesta kahit pa mayroong banta ng pagpapatapon sa kanila palabas ng bansa. Binanggit na ni Chief Supt. Wilben Mayor ng Philippine National Police na hindi papayagan ang mga protesta sa pook na pagdarausan ng pulong at sa tinitirhan ng mga delegado.
Kinondena rin ni Reyes ang masamang pagtrato sa mga Pilipino upang makatawag pansin lamang ng malalaking kumpanya.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |