Isinagawa kamakailan ng Pamahalaan ng Malaysia ang mga mahigpit na hakbanging panseguridad para maigarantiya ang seguridad sa serye ng Pulong ng Silangang Asya na gaganapin mula bukas. Maraming pulis ang nakakatalaga sa paligid ng Kuala Lumpur Convention Center. Sa mga hotel na titirahan ng mga lider ng iba't-ibang bansa, komprehensibong itinaas ng panig pulisya ang mga hakbanging panseguridad. Sinarhan din ang mga lansangan sa Kuala Lumpur, at maraming pulis ang pumapatrolya sa mga lansangan.
Ipinahayag ni Khalid Abu Bakar, National Police Chief ng Malaysia, na ginawa na ng panig pulisya ang kompletong hakbanging panseguridad sa nasabing pulong para harapin ang anumang posibleng gaganaping pangyayari na kinabibilangan ng teroristikong pag-atake mula sa "Islamic State (IS)."
Salin: Li Feng