|
||||||||
|
||
ANG pagdaraos ng APEC 2015 Economic Leaders' Summit sa Maynila ay isang angkop na pagkakataon upang itanghal sa daigdig ang mga natamong biyaya ng mga ipinatupad na reporma.
Sa kanyang talumpata sa pagbubukas ng Retreat 1 ng 23rd APEC Economic Leaders' Meeting sa Philippine International Convention Center, sinabi ni Pangulong Aquino na nakaranas ang Pilipinas ng metatag na kaunlaran sa larangan ng ekonomiya, ang pinakamabilis sa loob ng halos apat na dekada. Naganap ito sa pamamagitan ng magandang pamamalakad at mahahalgang repormang ipinatupad sa buong pamahalaan na sinuportahan ng mga mamamayan.
Bilang isa sa mga orihinal na kasapi ng APEC, nakikiisa ang Pilipinas sa layunin ng rehiyon na umunlad kaya't naisipan ang temang "Building Inclusive Economies, Building a Better World." Kailangang makamtan ng lahat ang biyayang idudulot na kaunlaran sa ekonomiya.
Layunin ni Pangulong Aquino na maging malawak ang biyayang makakamtan ng mga mamamayan sa kaunlarang natatamo ngayon sa pamamagitan ng mas maraming trabaho, mas maraming batang nasa paaralan, makapaglagay ng pagkain sa hapag kainan, magpataas ng antas ng kabuhayan at magsasanggalang sa kalikasan at kapaligiran.
Pagkakataon din ang APEC na masuri ng mga pinuno ng iba't ibang bansa ang mga nagawa na at ang mga kailangang gawin sa hinaharap.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |