Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pamangkin ni Freddie Aguilar napatunayang nagkasala ng pagpatay

(GMT+08:00) 2015-11-25 16:17:08       CRI

HINATULAN ni Judge Luisito Cortez ng Quezon City Regional Trial Court Branch na mabilanggo si Jason Ivler, ang anak ng bunsong kapatid ni Freddie Aguilar. Napatunayang nagkasala si Ivler ng pamamaril at pagpatay kay Renato Victor Ebarle, Jr. anak ng isang opisyal sa Tanggapan ng Pangulo, sa Malacanang noong 2009 sa Quezon City. Nauwi sa pamamaril ang isang hindi pagkakaunawaan sa trapiko.

Makukulong si Ivler ng hanggang 40 taon. Samantalang binabasa ang hatol ay nanatiling tahimik at nakatingin sa malayo ang akusado. Sa panayam matapos ang pagbasa ng hatol, sinabi niyang wala siyang kasalanan at aapela sa Court of Appeals.

Nagmula ang usapin sa pagpaslang kay Renato Victor Ebarle, Jr. noong ika-18 ng Nobyembre 2009. Pinagbabayad pa si Ivler ng P 9.373 milyon.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>