|
||||||||
|
||
Pagkaraan ng 29 na taong paghihintay, unang beses na itinatanghal ngayon sa Beijing ang "The Phantom of the Opera." Ito ang pinakakilalang Broadway opera, kung saan, ang mga aktor at aktres ay kilala ring stars.
Dalawampung taon (20) nang gumaganap bilang "Phantom" si Brad Little, at nagtanghal na rin siya sa mahigit 2,500 palabas. Ito ang kanyang ika-4 na pagdalaw sa Tsina.
Si Claire Lyon ay bagong sikat na aktres. Ayon sa pagtaya,ang pagganap niya ay mas maganda kaysa kay Sarah Brightman.
Para gawin ang eksenang ito, kailangang gamitin ang 6 na dry ice machine.
Mahigit 230 kasuotan at 236 na props ang ginagamit sa palabas na ito.
Mula ika-17 ng Nobyembre, sinimulang itanghal ang "The Phantom of the Opera" sa Beijing Art Center. Ito rin ang huling stop ng global tour nito.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |