Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Imports ng Pilipinas lumago noong Setyembre

(GMT+08:00) 2015-11-25 18:37:46       CRI

LUMAGO ang mga inangkat ng Pilipinas kung raw materials, intermediate goods, capital at consumer goods ang pag-uusapan. Ito ang ibinalita ng National Economic and Development Authority sa isang pahayag ngayon.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, lumago ang kabayaran sa imports ng may 6.7% at natamo ang halagang US$ 6.2 bilyon noong Setyembre mula sa US$5.8 bilyon noong Setyembre ng 2014. Ito ang ika-apat na sunod na buwan mula noong Hunyo na kinatagpuan ng paglago ng imports ng bansa.

Ayon kay Kalihim Arsenio M. Balisacan, ang magandang pangyayari sa business sector at pag-unlad ng consumer expectations sa susunod na huling tatlong buwan ang magpapataas ng imports sa manufacturing at construction sectors. Ang paglakas ng salapi ng bansa dahil sa mababang inflation ang magpapalakas sa consumer demand dahilan na rin sa kinaugaling pagasta sa darating na Kapaskuhan.

Naitala ang kaunlaran ng may 40.7% noong Setyembre na pinakamataas ngayong taon, dagdag pa ni G. Balisacan.

Ang capital goods ay tumaas ng US$2.0 bilyon mula sa US$1.4 bilyon noong nakalipas na taon. Ang raw materials at intermediate goods ay tumaas din ng 20.1% noong Setyembre kaya umabot sa US$2.7 bilyon na mas mataas sa US$2.2 bilyon noong Setyembre ng 2014.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>