Ipinahayag kahapon ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pagsuporta sa proseso ng integrasyon ng ASEAN, at pagtatatag ng komunidad ng ASEAN. Samantala, positibo aniya ang Tsina sa namumunong papel ng ASEAN sa pagtutulungang panrehiyon.
Sinabi ni Hong na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng mga bansang ASEAN para palakasin ang pagtitiwalaang pampulitika, palalimin ang pragmatikong pagtutulungan sa kabuhayan, kalakalan at kultura, at pasulungin ang pagtatatag ng komunidad ng Tsina at ASEAN.