Sa magkakasamang pagtataguyod ng Tsina at ASEAN, idinaos noong Huwebes sa Jakarta, Indonesya, ang isang charity activity para sa mga may-kapansanan. Ang tema nito ay "Caring and Sharing in the People-centered ASEAN Community."
Sa aktibidad, ini-abuloy ng Mission ng Tsina sa ASEAN ang mga air conditioner, kagamitan, audio-video products, handicrafts, at iba pa, sa isang lokal na foundation para sa mga batang may-kapansanan.
Ang aktibidad na ito ay isa pang kooperasyon ng Tsina at ASEAN para sa pagpapasulong ng usaping may-kinalaman sa mga may-kapansanan, pagkaraang idaos noong nagdaang Setyembre sa Nanning, Tsina, ang kauna-unahang Porum ng Tsina at ASEAN hinggil sa mga May-Kapansanan.
Salin: Liu Kai