Ipinahayag kahapon ni Pangulong François Hollande ng Pransya na dapat pabutihin ng panig pulisya at departamento ng pampublikong komunikasyon ang mga gawain para maigarantiya ang tagumpay ng idaraos na Climate Change Conference sa Paris.
Naglakbay-suri kahapon siya sa isang railway station sa Paris.
Ayon sa pahayag ng panig pulisya ng Paris, upang bigyang-ginhawa ang maayos na paglahok ng mga lider at kinatawan ng iba't ibang bansa sa nasabing pulong, isasagawa nila ang traffic restrictions sa paligid ng Paris-Charles de Gaulle Airport, Orly Airport, at ilang bahagi ng mga lansangan sa Paris.
Ayon sa Ministring Panlabas ng Pransya, tiniyak na lalahok sa pulong na ito ang 147 na lider ng mga bansa at pamahalaan.