Ipinahayag kamakailan ni Franky Sibarani, Tagapangulo ng Indonesia Investment Coordinating Board (BKPM), na ang mga investors ng Tsina ay may intensyon na mamumuhunan sa textile industry ng Indonesiya. Ayon sa pagtaya, ang halaga ng nasabing binabalak na pamumuhunan ay aabot sa 8 milyong dolyares.
Nitong nakaraang 5 taon, ang kabuuang halaga ng pamumuhunan ng Tsina sa Indonesia ay umabot sa 5.3 bilyong dolyares. Ito ay inilagak sa 12 proyekto at nakagawa ng mahigit 5900 trabaho sa bansa.
Salin:Sarah