Ayon sa pahayag na inilabas kahapon ng Ministri ng Pananalapi ng Tsina, opisyal na isasagawa sa ika-20 ng kasalukuyang buwan ang unang yugto ng mga kasunduan ng malayang kalakalan ng Tsina at Australia, Tsina at Timog Korea para mabawasan ang mga taripa.
Bukod dito, sapul nang unang araw ng taong 2016, isasagawa ang ikalawang yugto ng pagbabawas ng mga taripa.
Ipinahayag ng nabanggit na departamento na ang pagsasagawa ng naturang mga kasunduan ay magpapalawak at magpapadali ng mga bilateral na kalakalan ng Tsina at Australia, Tsina at Timog Korea, para ibayo pang pasulungin ang proseso ng integrasyong pangkabuhayan ng rehiyong Asya-Pasipiko.