Idinaos kahapon sa Kaesong Industrial Region ang pag-uusap ng Hilaga at Timog Korea sa antas ng pangalawang ministro, para talakayin ang mga nakabiting isyu ng dalawang panig.
Sa pag-uusap, ipinahayag ni Jon Jong-Su, , Puno ng Delegasyon ng Hilagang Korea at Pangalawang Direktor ng Sekretaryat ng Committee for the Peaceful Reunification of Korea, na umaasa siyang lulutasin ng dalawang panig ang mga hidwaan at magkasamang isasakatuparan ang magandang kinabukasan para sa dalawang panig.
Ipinahayag naman ni Hwang Boo-gi, Puno ng delegasyon ng Timog Korea at Pangalawang Ministro ng Unipikasyon, na umaasa siyang may hakbang-hakbang pasusulungin ng dalawang panig ang mga pagsasanggunian para maayos na lutasin ang mga isyu.