Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga pangunahing tungkuling pangkabuhayan ng Tsina para sa 2016, itinakda

(GMT+08:00) 2015-12-15 15:28:53       CRI
Binalangkas nitong Lunes, ika-14 ng Disyembre, 2015, ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang mga pangunahing tungkuling pangkabuhayan para sa taong 2016, unang taon ng Ika-13 Panlimahang Taong Pambansang Plano (2016-2020).

Reporma sa pabahay para sa pangangailangan ng mga mamamayan

Ayon sa pahayag na ipinalabas ng katatapos na pulong ng Pulitburo ng CPC Central Committee, upang mabawasan ang housing inventories, mas maraming migrant rural workers ang dapat bigyan urban-residency permits. Sa ganitong paraan, maaaring bumili ng mga bahay sa lunsod ang nasabing mga rural worker.

Sa prosesong ito, maaaring itaas ang urbanization ratio, proporsyon ng bilang ng mga rehistradong residente sa lunsod at kabuuang populasyon.

Hanggang katapusan ng 2014, umabot sa 35.9% ang urbanization ratio ng Tsina. Ayon pa sa nasabing pahayag, sa 2020, kailangang maging 45% ang bilang ng nasabing ratio.

Paghihikayat sa inobasyon ng sambayanan

Ayon sa nasabing pahayag, sa 2016, hihikayatin din ng Tsina ang inobasyon ng lahat ng mga mamamayan at bahay-kalakal. Para rito, pahuhupain ang pasaning pinansyal ng mga bahay-kalakal at indibiduwal na magsisimula ng negosyo, sa pamamagitan ng pagbabawas ng halaga sa transaksyon, buwis, gastos sa social insurance at iba pa.

Iba pang mga priyoridad

Kabilang din sa mga priyoridad sa 2016 ay ang pagpapadali ng prosesong administratibo, reporma sa mga bahay-kalakal na ari ng estado, pagbubuwis, pinansya, at social security.

Katamtamang bilis at de-kalidad na kaunlarang pangkabuhayan

Sa 2016, mananangan din ang Tsina sa pagpapasulong ng pambansang kabuhayan na nagtatampok sa katamtamang bilis at kalidad.

Noong unang tatlong kuwarter ng 2015, umabot sa 6.9% ang paglaki ng Gross Domestic Product (GDP) ng Tsina kumpara sa gayun ding panahon ng 2014. Ito ay nasa target ng pamahalaang Tsino, na humigit-kumulang sa 7% karaniwang taunang paglaki.

 

(Photo credit--Xinhua cartoon: GDP target in 2015)

Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade

Tagapagpulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>