Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

China-ASEAN Friendship Concert, idinaos: Embahador Pilipino sa Tsina, ipinagmalaki ang kalahok na Pinoy

(GMT+08:00) 2015-12-17 18:18:13       CRI

Matagumpay na idinaos kagabi sa Beijing, Miyerkules, Disyembre 16, 2015 ang China-ASEAN Friendship Concert. Itinanghal ng mga mang-aawit mula sa 10 bansa ng Association of South East Asian Nations (ASEAN) at Tsina ang kani-kanilang mga kantang nagpapakita ng kagawian, aspirasyon at kultura ng kanilang mga mamamayan. Bilang Philippine participant, ang 17 gulang na si Aldrich Lloyd Talonding ay kumanta ng "Anak."

Dumalo at pinanood ito ng mga embahador at diplomata mula sa 10 bansang ASEAN, mga opisyal ng Tsina, media ng ASEAN at Tsina, mga kaibigan at marami pang iba.

Sa panayam sa Serbisyo Filipino, buong-pusong ipinagmalaki ni Embahador Erlinda F. Basilio ng Pilipinas si Talonding bilang Philippine representative.

Ani Basilio, "napakagaling ng kanyang boses (Talonding) at napakaganda ng kanyang bersyon ng komposisyon ni Freddie Aguilar."

Ipinahayag din ni Basilio ang paghanga sa ipinakitang talento ng mga performing artists ng ASEAN at Tsina.

Aniya, makikita sa mga awit na itinanghal ang mga komong temang nasa kultura, emosyon at kagawian ng mga mamamayan ng mga bansang ASEAN at Tsina.

"Maganda ito para sa ugnayan ng 10-member countries ng ASEAN at China," ani Basilio.

Si Aldrich Talonding (sa gitna) kasama ang iba pang mga mang-aawit na ASEAN habang ipinakikilala bago ang pagtatanghal

Sina Ambassador Erlinda Basilio (ika-4 sa kaliwa, unang hanay) at Aldrich Talonding (ika-3 sa kanan), kasama ng iba pang mga diplomata at mang-aawit mula sa Tsina at ASEAN, pagkatapos ng pagtatanghal

Si Ambassador Erlinda Basilio habang sumusulat ng mensaheng pambati para sa 2015 China-ASEAN Friendship Concert

Si Ambassador Erlinda Basilio habang kinakapanayam ni Rhio, reporter ng CRI Filipino Service

Si Ambassador Erlinda Basilio, kasama ni Aldrich Talonding (ika-5 sa kaliwa), Elenita Directo (ika-4 sa kaliwa) at Elizabeth Cachin (ika-3 sa kaliwa) ng PTV, pamilya ni Talonding, at mga miyembro ng CRI Filipino Service

Kabilang sa mga mang-aawit ng ASEAN na nagtanghal sa nasabing konsiyerto ay sina: Sri Nazrina mula sa Brunei na umawit ng "Anak Durhaka;" Ma Chanpanha mula sa Kambodya na umawit ng "Autumn;" Bunga Citra Lestari mula Indonesya na umawit ng "True Love;" Kai Overdance mula sa Laos na umawit ng "Champa Flower;" Asmidar Ahmad mula sa Malaysia na umawit ng "Wau Bulan;" A Sai mula sa Myanmar na umawit ng "Thanakha;" Tay Kewei mula sa Singapore na umawit ng "Home;" Tanon Jumroen mula sa Thailand na umawit ng "Love Great Charm;" Ta Quang Thang mula sa Byetnam na umawit ng "Water-ferns Drift, Clouds Float."

Ang mga mang-aawit namang Tsino ay sina Wang Li na kumanta ng The Chinese Characters, Bei Bei na kumanta ng The Old Springtime, Wang Sulong na kumanta ng The Growth Ring, Yu Kewei na kumanta ng The Velvet Flower of Glory, Ma Di na kumanta ng The Nostalgia for South, Xu Yina na kumanta ng The Beauty of the Orient, Uda Мод na kumanta ng Mother in My Dream, Xiong Rulin na kumanta ng The Butterfly Kisses Huashan, at Wang Xiaomin na kumanta ng The Little Girl Under the Lamp.

Ang 2015 China-ASEAN Friendship Concert ay magkakasamang itinaguyod ng China Radio International (CRI), Administration of Press, Publication, Radio, Film and Television ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi, Guangxi TV, Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining ng Pilipinas (NCCA), at mga media ng sampung (10) bansang ASEAN na kinabibilangan ng People's Television Network (PTV).

Reporter: Rhio

Text/Photo Editor: Jade

Photographer: Rhio/Jade/Lyndon

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>