Sa sidelines ng pagdalo sa Ika-3 Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng International Syria Support Group (ISSG), kinatagpo ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina si Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN).
Ipinahayag ni Wang na ang taong ito ay ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng UN at ika-70 anibersaryo ng tagumpay ng World Anti-Fascist War. Aniya pa, sa okasyong ito, salamat sa pagsisikap ng iba't ibang bansa, natamo ng sangkatauhan ang isang serye ng mahalagang bungang pangkapayapaan at pangkaunlaran, at gumanap din ang Tsina ng papel kaugnay nito. Nakahanda aniya ang Tsina na patuloy na palalalakasin ang pakikipagkooperasyon sa UN.
Ipinahayag naman ni Ban na sa taong ito, natamo ang positibong progreso ng multilateral na diplomasiya sa mga isyung pandaigdig na gaya ng pagbabago ng klima at sustenableng pag-unlad, at isyung nuklear ng Iran. Gumanap aniya ang Tsina ng mahalagang papel. Pinasalamatan din ni Ban ang Tsina sa aktibong paglahok sa pulitikal na paglutas ng isyu ng Syria, at umaasa siyang patuloy na patitingkarin ng Tsina ang papel sa mga katulad na isyu.
Sa sidlines ng nasabing pulong, kinatagpo rin ni Wang ang mga Ministrong Panlabas ng Saudi Arabia, Pransya at Britanya.
salin:wle