Nagsimula nang magkabisa, Disyembre 20, 2015, ang Kasunduan ng Malayang Kalakalan (FTA) ng Tsina at Australia.
Ayon sa FTA, simula Disyembre 20, 85.4% ng mga kalakal sa pagitan ng dalawang bansa ang mabibigyan ng serong taripa. Kapag ganap na naisakatuparan ang FTA pagkaraan ng transitional period, 96% ng mga paninda ng Australia ay mailuluwas sa Tsina nang duty-free; samantalang magiging duty-free ang 100% ng mga produktong Tsino na iluluwas sa Australia.
Iron ores at concentrates, karbon, ginto, travel services na may kinalaman sa edukasyon, at copper, ang top five imports ng Tsina mula sa Australia. Samantala, ang clothing, telecom equipment at parts, computers, furniture, laruan at produktong pang-isports ay top five imports ng Australia mula sa Tsina.
Inilarawan ni Andrew Robb, Australian Minister for Trade and Investment ang China-Australia FTA bilang makasaysayan at muhon. Sinabi naman ni Chinese Commerce Minster Gao Hucheng na may "kahalagahang monumental o monumental significance" sa relasyong Sino-Australian ang FTA para mapasulong ang pagtutulungang pangkabuhayan ng dalawang bansa.
Tagapagsalin/Tagapagpulido: Jade
Tagapagpulido: Rhio