Napag-alaman kahapon ng mamamahayag na nakikisangkot ang tauhan ng Kataas-taasang Prokuraturang Bayan ng Tsina sa imbestigasyon sa aksidente ng landslide na naganap sa Shenzhen noong Disyembre 20. Iimbestigahan ng isang espesyal na grupong binubuo ng mga tauhan ng Kataas-taasang Prokuraturang Bayan at organo ng prokuratura ng Lalawigang Guangdong ang krimen ng pagkapabaya sa tungkulin sa naturang aksidente.
Naganap ang kapahamakan noong ika-20 ng Disyembre, 2015 dahil bumagsak ang construction waste sa Hengtaiyu Industrial Park sa Guangming New District sa Shenzhen, Guangdong province sa katimugan ng Tsina. Isang tao ang nailigtas, 7 bangkay ang narekober at 75 ang nawawala pa rin sa nasabing trahedya.
Salin: Vera